PBBM, binati ang nangungunang Presidential candidate sa Indonesia

Binati kagabi ni Pangulong Bongbong Marcos si Indonesian Presidential candidate Prabowo Subianto, na nangunguna sa presidential election.

Sa kanyang X account, sinabi ng Pangulo na umaasa syang mas magiging malalim pa ang bilateral ties ng Pilipinas at Indonesia, na itinuturing nyang close neighbor at partner sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines
Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Lalo na’t ipinagdiriwang ng dalawang bansa ang ika-75 taon ng diplomatic relations ngayong taon.

Si Prabowo ang napipintong papalit sa pwestong iiwan ni outgoing Indonesia President Joko Widodo.