Balikatan drills magpapatuloy sa kabila ng presensya ng Chinese navy – ayon sa PCG

Nanindigan ang Philippine Coast Guard na magpapatuloy ang Balikatan Exercises sa kabila ng dumaraming presensya ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay tarriela, nagpapapansin lamang umano ang China.

Sinabi pa ni Tarriela na ang PCG at kanilang allies ay patuloy na hindi papansinin ang presensya ng Chinese navy ship.

Giit niya na hindi mapipigilan ng China ang Balikatan exercise at kanilang kaalyado na gawin ang ganitong pagsasanay na kasama ang Pilipinas.

Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na naispatan ang Chinese vessel habang nagsasagawa ng maritime exercise ang Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *