LTO Naga naghihintay pa ng direktiba para sa mga unconsolidated jeepneys

NAGA CITY- Naghihintay pa ng direktiba ang Land Transportation Office (LTO) Naga City sa mga nararapat nilang maging aksyon  sa mga unconsolidated jeepneys,  na mag-ooperate pa rin matapos ang deadline ngayong araw Abril 30, 2024.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni LTO Chief Grace Rojas matapos ang tatlong buwang palugit na ibininigay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Una nang sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza na sa pagkonsulta nila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), pagdating ng Mayo, magiging colorum ang hindi  sumali sa franchise consolidation kaugnay ng Public Transport Modernization Program.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *