Balay Silangan sa Orani, Bataan pinasinayaan na

Pinasinayaan na ang Balay Silangan Reformation Center sa Orani, Bataan kahapon.

Kasabay rin nito ang blessings sa gusali na ikalima na umano sa mga itinayong Balay Silangan sa lalawigan ng Bataan.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency at mga opisyal ng Lokal na Pamahalaan ang pagpapasinaya sa pasilidad.

Binigyang diin naman ni PDEA Region 3 Dir. Bryan Babang ang kahalagahan ng mga intervention programs para sa mga indibidwal na gumagamit ng ipinagbabawal na droga.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sa Balay Silangan ay mananatili ang mga matutukoy na lulong sa ipinagbabawal na droga para sumailalim sa rehabilitasyon at makapagbagong buhay.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text that says 'MAXAN Mangostee Xanthone FAQ MAXAN Mangosteen Mangosteen/Xanthone Xanthone Ang Maxan po ba nakakatulong sa may mataas na blood sugar? Shop now! Lazada'

Photo Courtesy: PDEA Region 3