Libreng-Sakay sa Zambales nagsimula na

Nagsimula na kaninang umaga ang libreng sakay para sa mga APORS at health workers na hatid ng Subic San Narciso San Felipe Transport Service Cooperative.

Ito ay sa ilalim pa rin ng ikatlong bugso ng Service Contracting Program ng gobyerno na layong matulungan ang transport sector at mga mananakay.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Maaga pa kanina nang umarangkada ang byahe mula sa Subic Terminal hanggang San Felipe.

Ayon kay Transport Cooperative Chairman Joelson Del Mundo, nasa tatlumpong unit ang bibyahe araw-araw habang may dalawa pang nakastandby.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Maging ang mga estudyante ay kabilang na rin umano sa maseserbisyuhan ng programa.

Matatandaan na ang ibang mga probinsya ay nagsimula noon pang April 13 base sa update ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text that says 'Power Cells 6i in Salabat Herbal Mix Ginger Brew Ang sobrang pagod na kalamnan ay isang senyales na kinakailangan ng iyong katawan ng pahinga. Power Cells 6IN1 Salabat Brew wCells6IN1 Salabat .. 10gX25S SHOP NOW! Lazada Û.aa- www.powercells.ph'