Kahandaan sa eleksyon, tiniyak sa kabila ng retirement ni PNP Chief Carlos

Tiniyak ng Philippine National Police na makakatiyak ang publiko ng maayos na 2022 elections sa susunod na buwan sa kabila ng posibleng pagpapalit ng kanilang liderato isang araw bago ang botohan sa May 9.

Sinabi ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo na nakahanda ang kanilang hanay na tumugon sa anumang security concerns sa halalan.

Read More:  Barzaga says he has no regrets after House expulsion

Tiniyak din ni Fajardo na walang dapat ipangamba ang mga mamamayan dahil walang magiging epekto sa serbisyo ng PNP ang pagpapalit ng kanilang Hepe.

Kinumpirma ni Fajardo na nakatakdang i-deploy sa mga natukoy na election areas of concern sa susunod na linggo ang mga dagdag na police personnel kabilang na ang reactionary standard support forces mula sa PNP national at regional offices.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Samantala, nilinaw ni Fajardo na maging sila ay nag-aabang din ng magiging anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sino ang papalit kay outgoing PNP Chief General Dionardo Carlos.#(LEO NAVARRO-MALICDEM)
#