Nakatakda na umanong ipaliwanag sa susunod na linggo ang nirerekomendang “bakuna bubble” sa National Capital Region (NCR).
Isasagawa at pangungunahan ni Presidential Adviser for Entrepreneurship and Go Negosyo founder Joey Concepcion ang press briefing sa August 30.

Sa nasabing press briefing, inaasahang bibigyang linaw ang bakuna bubble setup, kung saan mas mabibigyan ng karapatang kumilos ang mga hindi pa nababakunahang indibidwal kumpara sa mungkahing “no vaccination, no entry” ng ilang sector noong mga nakaraang linggo.
Samantala, nakatakda ring pag-usapan sa August 30 ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang susunod na quarantine classification sa NCR at iba pang bahagi ng bansa.