Ex-DBM exec, aminadong may kapabayaan sa face mask, face shield procurement

Inamin ng dating opisyal ng Department of Budget and Management-Procurement Service (DBM-PS) na si Christopher Lloyd Lao na posibleng nagkaroon ng kapabayaan sa pagbili ng mga overpriced na face masks at face shield noong kasagsagan ng pandemic noong nakaraang taon.

Ito ay matapos na pagpaliwanagin ni Senator Francis Pangilinan sa Senate hearing si Lao sa pagkakaiba ng price range ng mga face masks na binili ng DBM-PS at Philippine Red Cross (PRC) kung saan nabili lamang umano ng PRC sa halagang P5 bawat isa ang face masks, di hamak na mas mura kumpara sa nabili ng DBM-PS na nasa P13 hanggang P27 bawat isa.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Ayon kay Lao, maaaring may pagpapabaya ngang naganap dahil maaari pa nilang mapababa ang presyo ng mga produktong ito kung nagsikap lamang sila sa paghahanap ng mga murang supplier.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Samantala, pinagdiinan pa rin ni Lao na noong panahon na sila ay nakapag canvas ay P20-P40 kada isa ang bigay sa kanila ng face masks ng mga supplier, habang ang face shield naman ay nasa P120 hanggang P400 pesos kada isa.