Isang baka kamakailan ang ikinagulat ng mag-asawa na sin Megan at Barry Coster, dahil sa ipinanganak ito na may body markings na smiley face.
Sa 700 umano na baka ang inaalagaan ng mag-asawa taon-taon, ngayon na lamang ulit sila nakasaksi ng isang nakamamangha na insidente patungkol sa kanilang alaga.
Noong una ay mayroon naman na umano ganitong pangyayari kung saan, minsan na ring nagkaroon ng may hugis puso at numero siyete sa katawan ng ilan.
Subaliit, ikinamangha umano nila ito dahil sa mas kakaiba umano ang smiley face na marking kaya naman, pinangalanan nila itong si Happy.
Noong una ay hindi agad ito napansin ni Barry ngunit, nagulat siya nang makita niya ang wangis na smiley face sa tagiliran nito na agad niya naman ikinuwento sa kaniyang asawa.
Hindi rin umano naniwala si Megan sa una at pinaghinalaan niya pa ito na isa umanong drawing.
Subalit, nang Makita niya ito ng personal, dito na niya napatunayan na totoo ang sinabi ng kaniyang asawa.
Dahil rito, napagdesisyonan ng mag-asawa na hindi na ibenta si Happy at alagaan na lamang bilang kanilang pet at maging isang mascot sa kanilang rancho.|WENCY LISAY