Idineklarang ‘invalid’ ng Sangguniang Panlalawigan ng Sorsogon ang Bulan Ordinance No. 2023-6 o An Ordinance Amending Section 28, Article V of Ordinance No. 006, Series of 2017 o ang Municipal Fisheries Code of 2017 ng Bayan.
Matatandaan na sa Ordinance No. 2023-6 na inaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Bulan, papayagan ang pribadong sektor at iba pang government agencies na mag tayo at mamahala ng Municipal Fish Landing sites sa South at North coastal areas ng nasabing bayan, kaakibat ang mga criteria o guidelines na itinakda ng LGU na kahalintulad ng itinakdang guidelines para sa operasyon ng Regional Fishport sa bayan.
Maari rin aniyang payagan ang nakaksakop na barangay na magkolekta ng taxes at iba pang ‘fees and charges’ mula sa nasabing fish landing sites.
Pero ayon sa Resolution No. 398-2023 ng Sangguniang Panlalawigan o ang nagdideklarang invalid sa nasabing Municipal Ordinance, ‘prejudicial to public interest’ ang ordinansa, ibig sabihin, hindi ito magiging epektibo dahil walang lugar sa bayan na angkop sa mga requirements na itinakda ng ordinansa upang makapag tayo ng fish landing sites.
Hindi rin aniya pwedeng “maari” lamang ang assistance ng nakakasakop na barangay, sa halip ay “dapat” o mandatory ang assistance ng barangay sa nasabing proyekto.
