BAI, sasampahan ng reklamo ang 18 traders na nahulihan ng mga baboy na infected ng ASF sa mga checkpoint sa Metro Manila

Patung-patong na reklamo ang isasampa ng Department of Agriculture at Bureau of Animal Industry laban sa mga traders na nagbabyahe ng mga baboy na positibo sa African Swine Fever.

Ayon kay DA Spokesperson Asec. Arnel De Mesa, aabot sa 476 na buhay na mga baboy mula sa 18 mga shipment ang naharang sa iba’t ibang checkpoint na inilatag sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.

Read More:  CBCP urges Senate to immediately proceed with VP Sara impeachment trial

Matapos makumpirmang positibo sa ASF ang mga baboy, 430 rito ang agad na pinatay at ibinaon habang 46 ang isinailalim sa emergency slaughter.

Read More:  Around 1M DepEd personnel expected to receive mid-year bonus

Kabilang sa mga kasong isasampa laban sa mga traders ay ang falsification of documents, paglabag sa meat inspection code at iba pa.

Samantala, sa huling datos ng BAI lumobo na sa halos 500 ang bilang ng mga barangay na apektado ng ASF.