Umapela na nang tulong ang Commission on Elections (COMELEC) sa ilang mga gurpo at stakeholders na hikayatin ang 5.3M deactivated na mga botante na mag-reactivate na upang makaboto sa midterm elections.
Ayon kay COMELEC chair George Erwin Garcia, ang mga grupong ito ay makatutulong sa pagbibigay-impormasyon sa mga indibidwal na ito hinggil sa kahalagahan ng pagpapa-reactivate ng kanilang rehistro, maging sa paggamit ng karapatang bumoto.
Ilan sa mga nakausap na grupo ng ahensya ay ang National Movement for Free Elections (Namfrel), Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), at Legal Network for Truthful Elections (Lente).
Binigyang-diin ni Garcia na lahat ng Pilipinong mawawala sa listahan ay dapat makaboto.
Batay sa pinakahuling datos, umakyat na sa 5.3M ang na-deactivate na botante ng COMELEC dahil sa kabiguang bumoto ng dalawang magkasunod na eleksyon.