Lumakas pa at nasa Typhoon category na ang Bagyong Inday habang patuloy na kumikilos pa-hilagang kanluran sa bahagi ng Philippine Sea.
Base sa 11am weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng Bagyong Inday sa layong 495 km silangan Basco, Batanes.
Taglay na ang lakas ng hangin na aabot sa 120 kph malapit sa gitna at pagbugso na papalo sa 150kph.

Kumikilos ito sa direksyong northwestward sa bilis na 15 kph.
Batay sa forecast, patuloy na kikilos ang nasabing bagyo pa-hilagang kanluran hanggang sa Lunes at inaasahang sa Martes pa o Miyerkules tuluyang lalabas ng Philippine Area of Responsibility.
Hanggang sa ngayon, wala pa ring itinataas ang PAGASA na Tropical Cyclone Wind Signal sa kahit saang lugar sa bansa.
Nananatili ring mababa ang tyansa nitong maglandfall.
Gayunman, aasahan pa rin ang mga kalat-kalat na pag-ulan partikular sa Northern Luzon dahil sa trough o extension ng naturang bagyo.