Pagtatakda ng National Hijab Day kada Pebrero 1 ng bawat taon, inihain sa Senado

Inihain ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla ang paggunita ng National Hijab Day sa Pebrero 1 ng bawat taon bilang pakikiisa sa mga kababaihang Muslim at pagpapahalaga sa kanilang pagsuot ng hijab bilang simbolo ng kahinhinan.

Batay sa Senate Bill 1272 na inihain ni Padila ipinunto nito na ang hijab na nagpapakita at nakilalang pagpapahayag ng pananampalatayang Islam ay nagagamit sa diskriminasyon at pagkiling laban sa kababaihang Muslim.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Nais ng senador na tuldukan ang diskriminasyon lalo na laban sa kababaihang Muslim sa pamamagitan ng “awareness, education at empowerment.”

Dagdag pa nito, hangad ng panukalang batas na kontrahin ang “colonial mentality” kung saan nagiging simbolo ng pag-aapi sa kababaihan ang hijab.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Sa ilalim ng panukala, ang National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) ang magiging lead agency sa paggunita ng National Hijab Day, sa pakikipagugnayan sa Bangsamoro Women Commission.