Mababawasan na ang trabaho ng mga guro ngayong naaprubahan na ng Department of Budget and Management o DBM ang paglikha ng limang libong trabaho para sa mga non-teaching personnel.

Sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman, na ang 5,000 items ay binubuo ng 3,500 administrative officer o AO II positions, na layong tanggalin sa mga guro ang administrative task na sumusuporta sa mga operasyon, habang 1,500 naman para sa Project Development Officer o PDO I positions, na sya namang tutulong sa mga AO II at iba pang non-teaching personnel.
Makatatanggap ang mga nasa AO II at PDO I positions ng basic salary na nagkakahalaga ng salary grade 11 o 27,000.
Ang kakailanganing pondo naman para sa mga filled positions mula sa mga binuong position items ay kukunin sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF) sa ilalim ng FY 2023 General Appropriations Act (GAA), habang ang Retirement and Life Insurance Premium naman ay magmumula sa Automatic Appropriations.