Bagyong Enteng death toll – 13

Umaabot na sa labing tatlong indibidwal ang napaulat na nasawi dahil sa hagupit ng bagyong Enteng at habagat.

Ayon kay OCD spokesperson Edgar Posadas, walo sa mga ito ay mula sa Rizal, tatlo sa Bicol at 2 sa Cebu province.

Nilinaw ni Posadas na lahat ng iniulat na fatalities ay for validation pa.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Samantala, nakapagtala rin ng sampung sugatan dahil sa sama ng panahon.

Umabot naman halos 150 thousand ang bilang ng mga indibidwal na apektado ng pananalasa ng bagyong Enteng at Habagat.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, katumbas ito ng 37,867 families mula sa 338 bgys sa Region 3, CALABARZON, Regions 5, 6 , 7 at National Capital Region.

Read More:  DA issues notices to 36 rice retailers for violating imported rice price cap

Pinakamarami sa bilang ng mga apektadong indibidwal ay mula sa Bicol region na nasa 85, 856.

Nasa 7,613 individuals dito o katumbas ng 1,695 families ang nananatili pa sa mga evacuation centers.

Umabot na sa mahigit 9 na milyon ang halaga ng tulong na naipamahagi ng pamahalaan sa mga apektadong pamilya partikular sa Regions 5, 6 at NCR.