CHR, nagkasa ng national inquiry upang tugunan ang problema ng red-tagging sa bansa

Gumagawa na ng mga hakbang ang Commission on Human Rights upang matigil ang “red-tagging” sa bansa.

Sa briefing ng CHR sa House Committee on Appropriations para sa proposed 2025 budget nito na 1.1 billion pesos, sinabi ni Chairman Richard Palpal-Latoc na simula noong Hulyo ay nagsasagawa sila ng national inquiry hinggil sa sitwasyon ng human rights defenders na apektado ng red-tagging.

Bukod sa mahinto ay layon aniya nitong magkaroon ng konkretong depinisyon ang “red-tagging” at makapagrekomenda ang komisyon ng angkop na batas at alituntunin upang labanan ito.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Sa interpelasyon ni House Deputy Minority Leader France Castro ay sumang-ayon ang CHR sa inilabas na “definition” ng Supreme Court ukol sa red-tagging.

Inihayag ni Palpal-Latoc na maaari silang magkaloob ng witness protection program at legal aid para sa mga biktima ng red-tagging.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Dagdag pa nito, patuloy ang kolaborasyon ng CHR sa local at international human rights organizations para sa pagdodokumento at masiguro ang accountability.

Samantala, naniniwala naman si SAGIP Party-list Representative Rodante Marcoleta na kailangan ng “dividing line” gaya ng pagganap sa tungkulin nang hindi naglalabas ng “grievances” o sentimiyento laban sa gobyerno.

Pero sagot ni Palpal-Latoc, ang pagpapahayag ng mga salitang kontra sa gobyerno ay bahagi ng “fundamental rights” na ginagarantiya ng Konstitusyon.