Bagyong Dodong – lumakas pa bilang isang tropical storm bago lumabas ng bansa

Bahagya pang lumakas at isa nang ganap na tropical storm ang Bagyong Dodong.

Sa 11am bulletin ng PAGASA – lumakas pa ang hanging taglay nito sa 65 kilometro kada oras; at bugsong papalo ng hanggang 80 kilometro kada oras.

Huli itong namataan sa layong 305 kilometro Kanluran ng Sinait sa Ilocos Sur.

Ngayong araw, inaasahang lalabas na rin ito ng Philippine Area of Responsibilty.

Sa kabila niyan, patuloy pa rin nitong hahatakin ang Hanging Habagat na magpapa-ulan naman sa bahagi ng Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, eastern portion ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Zambales, Bataan, Bulacan, Pampanga, Aurora, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, at Western Visayas.

Asahan ding magpapaulan ito simula bukas, araw ng Linggo, hanggang sa araw ng Lunes sa Ilocos Region, Zambales, Bataan, Cavite, Oriental Mindoro, Palawan, Romblon, at Antique.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *