Rider ng motorsiklo sa Naga City, patay ng makasalpok sa isang fortuner at tumilapon pa sa puno ng akasya

NAGA CITY – Patay ang rider ng motorsiklo ng makasalpok ito sa isang papatawid na fortuner at tumilapon pa sa isang puno ng akasya na nasa tabi ng kalsada sa Brgy. Del Rosario, lungsod ng Naga.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Pmaj. Crisanto Romero, Station Commander ng Police Station 6 ng Naga City Police Office, sinabi nitong agad na binawian ng buhay ang rider na kinilalang si Ariel Baudin, 29-anyos ng Bula, Camarines Sur.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Napag-alaman pa na matulin ang takbo ng motorsiklo ng mga oras na nangyari ang aksidente matapos na isugod sa isang pagamotan sa lungsod ang anak ng biktima matapos na kombulsyonin dahil sa taas ng lagnat.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Paalala ni Pmaj. Romero sa mga motorista na iwasang mag-overtake sa kanang bahagi ng kalsada at iwasan din ang pagpapatakbo ng matulin lalo na sa mga takaw-aksidente sa lugar.