CAMARINES SUR- Mapayapang nadis-armahan ng pulisya sa Sipocot Camarines Sur ang 23-anyos na dalaga na nagtangkang saktan ang sarili.
Sinabi sa Brigada News FM Naga ni PSSGT Jennifer Bables ng PCR humingi ng responde ang barangay dahil hindi na kaya ng tanod ng Barangay Alteza, nasa kalsada na ang babae hawak ang patalim na tila ba nagbabanta sa sarili mag-aalas tres ng hapon nitong Huwebes Hulyo 13, 2023. Tiyempo naman na naroroon sa lugar si FO1 Michael Alday ng BFP Sipocot na tumulong upang makontrol din ang tao sa paligid.
Sa pagresponde ng team ng PNP, pinakiusapan pa ang babae pero hindi pinakinggan ang pulis, nang makakuha ng tiyempo kalmadong nadisarmahan ni PSSGT Hector Alay sa gitna ng kalsada.
Napag-alaman pa sa pulisya na may problema ang mental health ng babae, kukunin sana ng Department of Social Welfare and Development Office kahapon pero ngayon ay nasa pangangalaga na ng pamilya.
Sinaluduhan naman ng publiko ang mag rumisponde sa insidente.