Bagyong #AghonPH – bahagya pang lumakas habang kumikilos pakanluran

Bahagya pang lumakas ang Bagyong Aghon habang kumikilos pakanluran.

Ayon sa PAGASA, kaninang alas-dos ng hapon ay huli itong namataan sa layong 135 kilometro East Northeast of Hinatuan, Surigao del Sur.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng 55 kilometro kada oras malapit sa gitna; at bugsong papalo ng hanggang 70 kilometro kada oras.

Nadagdagan naman ang bilang ng mga lugar na nasa iallim ng Tropical Cyclone Wind Signals.

Sa Luzon, signal number one sa Sorsogon, Albay, Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, at Masbate, kabilang ang Ticao Island, at Burias Island.

Sa Visayas, signal number one din sa Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Leyte, Southern Leyte, Biliran, at Camotes Islands.

Sa Mindanao naman, nakataas ang signal number one sa ⁣⁣Dinagat Islands, Surigao del Norte kabilang ang Siargao at Bucas Grande Islands, Surigao del Sur, Agusan del Sur, at Agusan del Norte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *