Baguio Water District, itinangging may kinalaman sa gastroenteritis outbreak

Itinanggi ng Baguio Water District na may kinalaman ang suplay ng tubig nito sa gastroentritis outbreak sa summer capital ng bansa.

Ayon kay Engr. Salvador Royeca, General Manager ng Water District, 63% ng mga may gastroenteritis ay kumakain sa isang food establishment sa lungsod.

Hindi ibinunyag ni Royeca ang establisyimento ngunit sinabing maaaring nasa food court din ito ng isang sikat na mall.

Kaugnay nito, tiniyak niya na araw-araw na nagsasagawa ng water sampling ang ahensya para matiyak na ligtas at malinis ang suplay ng tubig.

Kung matatandaan, tinutulungan na rin ng Department of Health sa pamamagitan ng Epidemiology Bureau at Center for Health Development Cordillera Administrative Region ang Pamahalaang Lungsod upang kontrolin ang outbreak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *