Horse jockey, patay matapos mahulog sa kabayo sa Batangas

Patay ang isang horse jockey matapos mahulog sa sinasakyan niyang kabayo sa Malvar, Batangas.

Sa ulat ng Malvar Municipal Police Station , kinilala ang biktima na si Francisco Tuazon, residente ng lungsod ng Maynila.

Ayon sa Malvar MPS, , nangyari ang malagim na aksidente sa Metro Turf Club na matatagpuan sa Barangay san Pioquinto, Malvar, Batangas noong January 10 ng gabi.

Kasama sa 1, 200 meters horse racing event si Tuazon at sakay ng horse number 5 na si Wild Eagle.

Ngunit habang tumatakbo ang kabayo nang mapatid ang kaliwang stirrups o yung tuntungan ng paa ng hinete hanggang sa ito’y tuluyang mahulog.

Matapos maapakan ng kanyang kabayo ay naapakan pa ito ng kasunod na kabayo.

Agad namang nakapagresponde ang rescue team at dinala sa hospital ang hinete pero idineklara itong dead on arrival nang sumuring doktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *