Magbubukas na sa susunod an araw ng Lunes, May 2, ang bagong Terminal Building ng Clark International Airport.
Sa abiso ng paliparan, simula sa nabanggit na petsa, ang mga flights na aalis at darating ay gagamitin na ang Terminal 2.
Ayon sa CRK, inaasahang nasa walong milyong mga pasahero ang mapagsisilbihan nito kada taon.
Makikita sa bagong terminal building ang state-of-the-art facilities, mayroong touchless passenger check-in, self check-in kiosk at iba pa.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
