Gagamitin ang nasa mahigit dalawandaan na mga eskwelahan sa lalawigan ng Zambales para sa darating na May 9 elections.
Ayon kay Asst. Schools Division Supt. Michelle Mejica, mula sa mahigit 300 paaralan ay 213 dito ang gagamitin sa botohan.
Sa ngayon aniya ay nasa 85% hanggang 90% na ang kahandaan ng Deped Zambales mula sa mga gagamiting paaralan hanggang sa mga guro na magsisilbi sa araw ng halalan.
Kaugnay nito, sa ika-2 ng Mayo ay magsisimula na rin umano ang paghahatid ng vote counting machine sa mga paaralan.
Samantala, ang binuo namang Election Task Force ay ang magmimintina ng operation at monitoring center.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
