Bagong Presidential Appointees, pinangalanan na ng Palasyo

Inilabas na ng Malacañang ang mga bagong appointments sa dalawang tanggapan sa ilalim ng Marcos administration.

Isa sa mga bagong inappoint ay si Mary Lyn Charisse Lagamon bilang Presidential Assistant I sa Office of the Appointments na itinalaga noong January 18, 2023 ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

Read More:  New US Ambassador to PH meets with Ambassador Babes Romualdez

Pinangalanan na rin ni Pangulong Bongbong Marcos si Vicente Homer Revil bilang acting administrator at miymebro ng Board of Trustees ng Local Water Utilities Administration (LWUA), na itinalaga naman kahapon, February 6.

Bukod kay Revil, inappoint din si Jovy Bernabe bilang acting member ng Board of Trustees ng LWUA.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Ang LWUA ay isang government-owned and controlled corporation (GOCC) na may specialized lending function sa ilalim ng batas upang i-promote at pangasiwaan ang development ng water supply systems sa mga probinsya at munisipalidad sa laban ng Metro Manila.