Abalos, nangakong susugpuin ang kalakaran ng droga sa loob ng mga kulungan

Nangako si Interior Secretary Benhur Abalos na iimbestigahan nila nang mabuti ang mga kalakaran ng iligal na droga na nangyayari pa rin sa loob ng mga kulungan at ipa pang jail at correctional facilities.

Sa isang pulong balitaan sa Cagayan de Oro – sinabi niyang gagawin nila ang mga pamamaraan para mawaksi na ang illegal drug trade sa mga persons deprived of liberty o PDLs.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Aniya, sa ilalim ng bagong bihis ng drug war na BIDA program, ‘o ‘yung Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan – makasisiguro ang publiko na mas paiigtingin pa nila ang pagsugpo sa droga sa iba’t ibang mga institusyon.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Mas palalakasin din aniya ang internal cleansing sa hanay ng gobyerno, pati na rin ang drug testing sa kanilang mga sariling personnel.

Inaaral naman nila ang paglalagay ng mga CCTV cameras sa mga sensitibong lugar sa mga jail facilities para ma-monitor ang kalakaran ng droga rito, pati na rin ang posibleng kuntsabahan ng mga jail guards.