Inilunsad na sa lalawigan ng Pampanga ang labindalawang Public Utility Jeepney Class 2 sa ilalim ng PUJ Modernization Program.
Kahapon ay pinangunahan ng Pampanga Cooperative and Entrepreneurial Development Office ang Program kasama ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board at iba pang mga opisyal.
Kabilang sa modernisasyon ang apat na kooperatiba sa lugar, ang Kapampangan Transport Service Cooperative, Lubao Transport Service Cooperative,Guagua/Betis/Bacolor Transport Service Cooperative at One Mexico Prime Transport Service Cooperative.
Ipinakita rin dito ang loob at labas ng bawat unit na may malaking pagkakaiba sa kasalukuyang PUJ sa bansa.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: LTFRB Region 3
