Backhoe, nasunog sa isang quarry site sa Batangas

TAYSAN – Iniimbestigahan na ngayon ng mga awtoridad ang nangyaring pagkasunog ng backhoe sa isang quarry site sa Brgy San Marcelino, Taysan, Batangas, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa imbestigasyon ng Taysan Municipal Police Station, naganap ang sunog pasado ala-una ng umaga noong Linggo habang walang bantay sa naturang quarry site.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sa pahayag ng security guard na si Omar Morilla, 19 anyos, pumunta umano siya sa opisina ng Canipaan Earth Resources Inc para mag-kape na 700 metro ang layo mula sa quarry site.

Nagulat na lamang ito na sa kanyang pagbalik ay nasusunog na ang Kamatsu PC 350 na backhoe.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Agad niya itong inireport sa kanilang opisina para makahingi ng tulong.

Tuluyang naideklara ang fireout bandang 3:00 ng umaga.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Taysan Fire Station, umaabot sa P13,000,000.00 ang danyos ng naturang insidente.

Inaalam na ngayon ng mga awtoridad kung sinadya ang pagsunog sa backhoe at kung sino ang nasa likod nito.