Mahigit 10 milyong does ng COVID-19 vaccines, naibakuna sa buong bansa -DOH

Nakapagturok na ang Pilipinas ng mahigit 10 milyong doses ng COVID-19 vaccine as of June 27, ilang buwan matapos ilunsad ang vaccination campaign noong Marso. 

Sa kanilang latest bulletin, sinabi ng Department of Health (DOH) na 10,065,414 doses na ang naibakuna sa 1,231 active vaccination sites.

Kabuuang 7,538,128 ang naiturok bilang unang doses habang 2,527,286 ang naiturok bilang ikalawang doses. 

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Nakapagbakuna ang Pilipinas ng average 236,867 doses kada araw sa nakalipas na linggo. 

Sa 1.6 milyong heatlth workers na nasa master list, 1,669,660 ang nakatanggap na ng unang shot habang 1,131,498 na ang fully-vaccinated.

Sa walong milyong targeted senior citizens, 2,288,221 ang nakatanggap ng isang dose habang 672,602 ang fully-vaccinated na. 

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Sa pitong milyong targeted persons with comorbidities naman,  2,566,460 na ang naturukan ng unang dose habang 710,846 ang nakakumpleto na ng 2 doses. 

At sa 35.5 milyong essential workers naman na kasama sa ika-apat na priority group, 829,662 na ang nakatanggap ng isang shot, habang 12,340 ang fully-vaccinated na laban sa sakit. 

May naturukan na ring 184,125 indigents.