Isang babae ang tinangkang kumuha ng mga regalo sa ilalim ng Christmas tress sa apartment ni Robert de Niro sa New York.
Ayon sa New York Police Department, nakita nila ang 30-anyos na babae na pumasok sa Upper East Side townhouse ng actor.

Nang sundan siya ng mga pulis, nakita nila ito sa loob ng sala na sinusubukang tanggalin ang mga ari-arian ng aktor.
Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang babae habang inihahanda ang isasampang kaso laban sa kaniya.//CA