Sinuspinde ng NBA si Detroit Pistons guard Killian Hayes ng tatlong laro at ang Orlando Magic na si Moritz Wagner para sa dalawang laro , kasama ang siyam na iba pang mga manlalaro kasunod ng mass scuffle sa isang laro noong nakaraang araw.
Binigyan ng one-game ban si Pistons guard Hamidou Diallo at walong Magic players ang magsisilbi ring suspensiyon sa ganoong tagal.

Ang mga Guards na sina Cole Anthony, R.J. Hampton, Gary Harris at Kevon Harris; forwards na sina Admiral Schofield at Franz Wagner; at ang mga center na sina Mo Bamba at Wendell Carter Jr ay suspendido naman ng isang laro.
Napatalsik sina Wagner, Hayes at Diallo matapos ang isang shoving match sa second quarter ng 121-101 na tagumpay ng Pistons laban sa Magic.//CA