Suu Kyi ng Myanmmar, makukulong ng pitong taon matapos mahatulang guilty dahil sa katiwalian

Hinatulan ng pitong taong pagkakakulong ng Myanmar junta ang napatalsik na civilian leader na si Aung San Suu Kyi dahil sa katiwalian matapos ang labing walong buwang paglilitis sa kanya.

Si Suu Kyi ay nahatulan ng pagkakakulong dahil sa 5 counts ng katiwalain na may kaugnayan sa pagkuha at pagpapanatili ng isang helicopter na nagdulot ng pagkalugi sa estado.

Read More:  India’s air pollution worsens ahead of Diwali celebrations

Nakakulong na ito mula nang ibagsak ng militar ang kanyang gobyerno noong Pebrero 2021.

Read More:  2 foreign tourists die in suspected electrocution incident at luxury hotel pool in India

Napatunayan na rin itong nagkasala sa katiwalian matapos ang iligal na pag-import ng mga walkie-talkie at paglabag sa official sector act at nakulong ng 26 na taon.//CA