Babae patay umano matapos kainin ang bigay na tsokolate ng isang Fortune teller

PATAY ang isang babae na si Fernanda Silva Valoz da Cruz Pinto, 27-anyos sa bansang Brazil.

Ayon sa mga otoridad nagpahula si Fernanda sa isang matandang babae sa kahabaan ng Maceió, Brazil at saka naman binigyan ng tsokolate matapos mahulaan ng matanda na siya ay malapit nang mamatay.

Dahil sa pangaba, kinain niya ito at matapos ngang kainin ay agad siyang nakaramdam ng pananakit ng tiyan, nanlabo ang kanyang mga mata at nagsuka.

Agad naman siyang isinugod ng kanyang pamilya matapos na bumula ang kanyang bibig at pagdugo ng ilong.

Samantala ayon sa resulta ng isinagawang autopsy ay napag-alaman na may mataas ng sulfotep at terbufos sa kanyang katawan, mga kemikal na matatagpuan sa mga pesticides na presenteng makukuha sa bansang sa Brazil. ### KENNETH BERMIL