Motorsiklo, cellphone tinangay ng ‘riding in tandem’ sa Tantangan

KORONADAL CITY- HINOLDAP na, tinangay pa ang motorsiklo ng isang lalaki sa bayan ng Tantangan, South Cotabato. Ayon sa biktimang si Zack Liway, minamaneho nito ang kanyang itim na Aerox na motorsiklo angkas ang dalawang kaibigan patungong Barangay Cabuling pasado alas-3:00 ng madaling araw ng Miyerkules.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Ngunit pagsapit sa Purok Paghidaet, Barangay New Iloilo ay bigla na lamang ang mga itong dinikitan ng ‘riding in tandem’ at tinutukan ng baril.

Kinuha ng mga suspek ang kanilang bag, cellphone, pera at tinangay pa ang kanyang motorsiklo na may plate number 121 MPV.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Agad namang tumakas ang mga suspek palabas ng national highway. Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang Tantangan PNP kaugnay sa naturang insidente upang matukoy at mahuli ang mga suspek.