Babae, patay nang barilin sa loob ng ospital as Cavite

Patay ang isang babae habang sugatan ang nanay nito nang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang suspek sa loob ng emergency room ng ospital sa Dasmariñas City, Cavite.

Base sa report, naka-confine sa ospital ang biktima nang pasukin ito ng suspek at ilang beses na pinagbabaril.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Agad na nasawi ang biktima dahil tinamo nitong mga tama sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Tinamaan din ng bala sa hita ang kanyang nanay habang sugatan rin ang isang babae sa ER matapos na tumalbog sa semento ang isa sa mga bala.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Bukod sa dalawa, sugatan rin ang isa pang lalaki matapos barilin ng suspek nang magkasalubong ang dalawa.

Patuloy pa ang follow-up operation ng mga awtoridad sa pangyayari at inaalam ang motibo sa pamamaril at kung sino ang salarin.