6 patay matapos bumagsak ang kotse sa bangin sa Sarangani

Patay ang anim na katao sakay ng kotse matapos mahulog sa malalim na bangin sa kahabaan ng highway sa Barangay Nagpan sa Malungon, Sarangani.

Ayon Deputy Chief Akmad Omar Diocolano ng Malungon Municipal Police, nakilala ang mga biktima na sina Jay-Ar Tabanyag Mandawan, 34-anyos, Jeroben Taratuma Losabes, 39-anyos, Nora Albuena Aljiho, 34-anyos, at isang 57-anyos na si Ernesto Sicay Moseya, at kasama ang dalawang bata.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Aniya, pauwi ang mga biktima sa Mati City sa Davao Oriental mula sa General Santos City kung saan binisita nila ang kanilang mga kamag-anak.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Batay sa imbestigasyon ng pulisya at tauhan ng Malungon Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nasa impluwesya ng alak si Mandawan at pasaherong sakay nito.

Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon ng probers ng mga otoridad sa tunay na dahilan ng naturang aksidente.