Babae ninakawan ng mamahaling gamit sa Malilipot, Albay suspek inaalam na ang pagkakakilanlan

LEGAZPI CITY – Halos maubos ang gamit ng isang 33 anyos na babae matapos pasukin ng mga magnanakaw ang bahya sa Purok 3 Barangay San Francisco bayan ng Malilipot Albay kahapon ng madaling araw.

 Kinilala ang biktima na si Florelyn Rodriguez Guerero residente ng nasabing barangay. Ayon sa report, umaga na ng madiskobre nito na nilooban na pala ng mga magnanakaw ang kanyang bahay kung saan ay ninakaw ang kanyang mga gamit. Napag alaman rin umano na dumaan ang suspek sa likuran ng kusina na hindi nakapadlock ang pintuan at ginamit lamang na pangharang ay upuan kung kayat madaling nabuksan ang pintuan sa kusina.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur
Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

 Natangay sa biktima isang Laptop na nagkakahalagang PHP 60,000.00, cp na nagkakahalang P21K. at pera na aabot sa P7K. Sa ngayon patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan sa mga suspek upang madakip at masampahan ng kaso ang mga ito.