Nasa 18 na mga indibidwal ang naghain ng kanilang kandidatura sa tanggapan ng COMELEC Cauayan City na nais tumakbo para sa 2022 elections.
Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Atty. Jerbee Anthony Cortez ang COMELEC Officer ng COMELEC Cauayan, ngayong huling araw na ng filing ng COC ay bukas pa rin ang kanilang tanggapan upang tanggpin ang kanilang COC hanggang mamayang alas-5 ng hapon.
Aniya, mayroong 2 ang nagfile para sa pagkaalkalde at 1 sa bise-alkalde, at 15 naman ang naghain ng COC para sa posisyon ng Konsehal.
Ayon sa kaniya, sa nakalipas na mga araw ay naging maayos naman ang takbo ng transaksyon at tiniyak na nakasunod ang mga aspirants sa ipinatutupad na health protocols.
Ilan aniya sa mga aspirant ay kabilang sa National People’s Coalition, Reporma at Independent.
Samantala, pagkatapos ng filing ng COC ay sisimulan naman sa araw ng Lunes, October 11 ang extension ng voter’s registration hanggang October 30, 2021.
Kaugnay nito ay hinikayat ni Atty. Cortez ang mga kwalipikadong botante na hindi pa nakapagparehistro na magparehistro na at isaayos ang kanilang pagkakatala sa COMELEC upang makaboto sa susunod na halalan.
Bukas ang kanilang opisina Monday to Friday simula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.