Babae – dismayado nang joint account nila ng lalaki ang pinambili ng engagement ring

Disappointed ang isang babae matapos niyang malaman na ang engagement ring na iniregalo sa kanya ng mister ay hinuhulug-hulugan gamit ang perang mula sa kanilang ipon.

Sinabi ni Throwrapaidforring sa kanyang social media post, nag-propose ang lalaki sa kanya isang buwan bago sila ikasal.

Binigyan siya nito ng two-carat lab grown diamond engagement ring na nagkakahalaga ng US$8,000 o PHP459,224.

Ngunit, natuklasan niya na kumukuha pala ng pambayad ang kanyang mister sa kanilang joint account.

Mula aniya ng ikinasal sila ay pinagsama na nila ang kanilang kinikita at hati rin sila sa mga gastusin.

Ayon sa babae unintentionally ay nakapagbayad na siya ng dalawang installments kaya lumalabas na part-owner na rin siya ng singsing.

Kung alam lang umano niya na ganito pala ang magiging payment scheme sa iniregalo sa kanyang engagement ring, hindi ito pumayag na bilhin ang singsing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *