PBBM, hinihimok na ikansela ang kapangyarihan ng BI na i-convert ang tourist visa sa student visa

Nanawagan si Rep. Ace Barbers kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kanselahin ang kapangyarihan ng Bureau of Immigration na i-convert ang tourist visa sa student visa.

Ayon Barbers maraming mga turista ang pumapasok sa bansa na nagpapaconvert bilang student visa kapalit ng pera.

Isa umano ito sa mga modus ngayon sa immigration.

Sinabi ni Barbers na mas mabuting ibasura na lang ang Executive Order no. 285 ni dating Pangulong Joseph Estrada na nagbibigay kapangyarihan sa Immigration na i-convert ang tourist visa sa student visa.

Dagdag pa ng mambabatas na dapat ang humawak at may kapangyarihan dito ay ang Department of Foreign Affairs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *