Availment period para sa calamity assistance package ng SSS na nagsimula noong Nobyembre magtatapos na ngayong Pebrero

CAMARINES NORTE- Magtatapos na  sa February 16, nitong taon ang availment period para sa calamity assistance package ng Social Security System (SSS) na nagsimula noong November 2022.

Kasunod yan ng pagsasailalim sa state of calamity ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ilang lugar sa bansa kabilang na ang Camarines Norte dahil sa bagyong Paeng.

Kaugnay nito ay nagpaalala si SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo sa mga kwalipikadong miyembro na nagnanais na mag- avail na meron na lang ilang araw para gawin ito.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ang availment period po ng ating calamity loan ngayon ay magtatapos na po sa February 16, 2023 kaya po yung mga SSS members natin diyan na alam nilang qualified at gusto po maka- avail ng calamity loan, pwede nappo tayong mag proceed sa online services ng SSS at doon po ang application,” ani Robredo.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Robredo sinabi nito na para maka- avail ay dapat rehistrado ang miyembro sa SSS website sa My. SSS. Facility para maproseso ang filing of application.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Kabilang sa calamity package na maaaring i- avail ay ang Calamity Loan Assistance Program (CLAP) at three- month advance pension for SS and EC pensioners.

Nilinaw nman ni Robredo na ang pag- avail sa three- month advance pension ay over the counter at hindi online kaya kailangang magtungo mismo sa opisina ng SSS.

Ang Loan amortization ay magsisismula sa ikalawang buwan pagkatapos na maaprobahan ang loan application.

Mayroong 10 % interest rate per annum at walang babayarang service fee.