CAMARINES NORTE- Hindi tulad ng dati, naging maayos sa pangkalahatan ang huling araw ng voters’ registration sa lalawigan ng Camarines Norte kahapon.
Bagamat may dagsa pa rin ng tao na humabol sa huling araw ng pagpaparehistro, hindi ito tulad ng dati na nagsisiksikan sa mga opisina ng Commission on Elections.
Sa bayan ng Mercedes ay may pila sa tanggapan ng Comelec pero kakaunti lang ito na parang karaniwang araw lang ng registration.
Ganito rin ang siteasyon sa Basud kung saan marami sa umaga pero pagsapit ng hapon ay kakaunti na lang ito.
Ayon kay Election Officer III Annelyn Abanes ng Comelec Speaker’s Bureau naiwasan umano ang mahabang pila dahil na- saturate na ng Comelec hanggang sa mga barangay noong una pang magsagawa ng registration bago ipinagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na nakatakda sanang gawin noong Disyembre.
Ang kapansin- pansin umanong marami ngayon ay ang transfer na dati ay hindi pinayagan sa BSKE dahil sa hilahan lalo na ng mga magkaka mang- anak.
Kahit kasi hindi residente sa isang barangay ay hinihila ito ng kanilang kaanak na may balak tumakbo sa halalan.
Ngayon umano ay binigyang laya ng Comelec ang mga tao na mag transfer.
Gayunman, nilinaw ni Abanes na dadaan pa sa Election Registration Board (ERB) hearing bago makasama sa pinal na listahan ang mga nagparehistro ngayon.
Kapag may nagreklamo at napatunayang hindi residente sa lugar ang isang tao kung saan siya nagparehistro ay hindi ito makakaboto.
