LEGAZPI CITY – Nakatakdang makatanggap ng hand tractors ang asosasyon ng mga magsasaka sa Camalig, Albay.
Ito ay mula sa Department of Agriculture (DA) – Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech), sa tulong ng Municipal Agriculture Office (MAO), kung saan kabuuang pitong unit ng hand tractor ang ipapamahagi sa mga mapipiling farmer associations upang makatulong sa sektor ng agrikultura at mas mapadali ang proseso nito.
Gaganapin ang turn-over program anumang buwan ngayong taon kung saan layunin nitong mas palakasin ang lokal na pagsasaka sa pamamagitang pagbawas sa the manual labor na kailangan upang mas maisaayos ang crop yields, mapamura ang operational costs, at mas tumaas ang kalidad ng mga produkto.