BNFM Bicol- ARESTADO ang dalawa katao mula sa Regional Most Wanted list ng Philippine National Police (PNP) Bicol sa isinagawang magkahiwalay na operasyon nitong Hulyo 15 hanggang 17 sa lalawigan ng Camarines Norte at Sorsogon.
Isinagawa ang operasyon laban sa itinuturing na rank 6 Regional Most Wanted Person na si alyas “Ekay” bandang 2:30 ng hapon nitong Hulyo 15 kung saan sinilbihan ito ng warrant of arrest para sa magkahiwalay na kaso ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Arestado naman at kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG Sorsogon PFU ang isang alyas “Oward”, 46-anyos na lalaki na nakalista rin sa Regional Most Wanted ng Bicol na nahaharap sa mga kasong panghahalay at lascivious conduct.
Binigyang diin sa police report na ito ang epektibong pagtutulungan ng kapulisan at iba’t ibang ahensya ng gobyerno tungo sa pagtataguyod ng kapayapaan sa rehiyon. # # # Nico Merciales, Intern
Photo from PNP Bicol