Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan ng Southeast Asian nations na makaya na makabangon mula sa epekto ng COVID-19 pandemic, meron man o walang tulong mula sa external partners nito.
Sa opening ceremony ng 38th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit ay sinabi ng Pangulo na magiging mahaba at mahirap ang daan na tatahakin ng ASEAN para sa economic recovery.
Ipinunto ng Punong Ehekutibo na dalawang taon na ang lumipas mula nang maitala ang unang kaso ng COVID-19.
Pero ayon sa Pagulo, patuloy pa rin na nagdurusa ang rehiyon mula sa naging epekto ng pandemya.
Iginiit ng Pangulo na bagamat welcome sa ASEAN ang mga tulong mula sa external partners nito ay kailangan ng rehiyon na matutong tumindig ng sarili nito lamang.
