Kinumpirma na ng University of Oxford, na isa sa mga pinaka-prestihiyosong academic institutions sa mundo, na bigo si dating senador Bongbong Marcos na matapos ang degree nito.
Taliwas ito sa sinabi ng presidential aspirant sa kaniyang Senate profile at resume na nakakuha ito ng Bachelor of Arts degree mula sa Oxford.
Sinabi ng Information Compliance Team ng unibersidad na nakapasok si Marcos sa University of Oxford noong 1975 para kumuha ng BA sa Philosophy, Politics at Economics.
Gayunman, hindi ito nakapagtapos na dahilan upang ma-awardan lamang ito ng Special Diploma sa Social Studies noong 1978.
Iginiit ng Oxford na hindi full graduate Diploma ang iginawad na dokumento kay Marcos.
