Nasakote ng CIDG RFU8 ang isang miyembro ng Philippine Army sa isinagawang Buy-Bust entrapment Operation sa Catarman Northern Samar.
Kinilala ang suspek nasi CPL Elmer Surio Cabaron 34 anyos aktibong miyembro ng ng 83rd Mobile infatry batallion P.A at residente ng Brgy Rawis Laoang Northern Samar.
Batay sa nakuhang impormasyon ng Brigada Tacloban naaresto ang suspek bandang ala 1 ng hapon mismo sa Grandtours Terminal sa Brgy j.p Rizal sa nabanggit na bayan.
Ito ay dahil sa impormasyon na natanggap ng field unit mula sa 8ID P.A na may ilang miyembro daw ng P.A na sangkot sa pagpatakbo ng baril sa Area Of Responsibility (AOR) ng Northern Samar partikular na sa munisipyo ng Catarman.
Nakuha sa suspek ang ibat ibang klase ng baril kung saan nakuha sa suspek ang isang KG9, isang M4, dalawang magazine ng KG9, limang magazine ng M4 rifle, walong peraso ng live na bala para sa M4 rifle, siyam na bala ng MM pistol, isang unit ng kalibre 45, animnapu’pitong bala ng kalibre 45, 2 mobile phone at mga personal na kagamitan.
Sa ngayon nasa tanggapan na ng CIDG NSPFU ang supek para sa booking documentation at proper disposition at nahaharap sa paglabag sa RA 10951 | via 93.5 BNFM TACLOBAN
