Inihayag ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) na mayroon silang ipinaplano na magsagawa ng panibagong dike sa lalawigan partikular sa may bandang paanan ng bulkan.
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay APSEMO head, Dr. Cedric Daep, ito umano ang isa sa kanilang mga nire-request na pondo sa National DRMM upang magkaroon ng meander dikes o malagyan ng dike ang mga ilong na pakurba tulad ng sa Tandarora, Travesia, San Rafael ng Guinobatan; Libon at Salugan ng Camalig; Budiao at Binitayan ng Daraga; Lidong ng Santo Domingo; San Francisco at Binitayan ng Malilipot; bandang Pawa ng Malinao; Buyoan ng Legazpi City; habang Mariroc at San Vicente naman ng Tabaco City.
Aniya, kinakailangan umanong malagyan ng mga dike ang gayong mga ilog dahil mayroong kabahayan sa bandang ibaba ng mga ito – delikado ang magiging kalagayan ng populasyon kung walang dike at kung mahina ang pwersa. Dagdag pa ni Daep, nasa labing 100 milyumpiso ang pondo ng tanggapan ngayon ngunit ito ay kulang para sa nabanggit na proposal, kung kaya’t plano nilang i-request ito sa nasyonal.