45,000 family food packs, inihanda ng DSWD Bicol para sa posibleng maapektuhan ng LPA

Naghanda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol ng 45,974 family food packs (FFPs) bilang bahagi ng paghahanda sa posibleng epekto ng low pressure area (LPA) na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical at Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon kay Marygizelle Mesa, Regional Information Officer ng nasabing tanggapan, naka-preposition na ang mga FFPs at handa nang ipamahagi kapag hiniling para sa augmentation ng mga LGUs.

Aniya, naka-standby na rin ang halos 46,000 FFPs sa iba’t ibang bodega at isa pang P11.1 milyumpisong halaga ng stockpile para sa repacking bilang augmentation.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Dagdag pa nito, naka-stockpile na rin para sa 20,000 pamilya na binubuo ng 37,350 kilo ng bigas; 172,188 lata ng corned beef; 93,166 lata ng sardinas; 1477,332 lata ng tuna; 282,610 sachet ng 3-in-1 na kape; at 74,725 lata ng cereal drink.

Higit pa rito, nakahanda ang limang milyumpisong halaga na standby fund para sa karagdagang pagbili ng food packs o anumang kits kung kinakailangan.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Naghanda rin ang ahensya ng PHP38,952,451 halaga ng non-food items kabilang ang hindi bababa sa 338 set ng family tents; 3,817 boxes ng sleeping kits; 2,792 boxes ng family kits; 4,838 sets ng hygiene kits; at 3,732 kitchen kits.

Ipinag-uutos naman ni DSWD Regional Director Norman Laurio sa lalawigan na makipag-ugnayan sa iba’t ibang LGU sa kanilang lugar hinggil sa pagpapalabas ng mga inihandang mga pagkain at mga gamit.

Samantala, ayon pa rito, mayroon silang quick response team (QRT) na nakahanda 24 oras kung kinakailangan ang kanilang tulong.